Pagbalik sa trabaho para sa mga kawani ng Lungsod

Ang mga empleyadong sinabihan na manatili sa bahay dahil sa pagsusuri sa kalusugan ay dapat munang makipag-usap sa tagapamahala bago bumalik sa lugar ng trabaho.

Manatili sa bahay

​​​​​1. Kung nagkaroon ka ng mga bagong sintomas sa nakalipas na 24 na oras

Huwag pumasok sa trabaho kung masama ang pakiramdam mo. Sabihin sa iyong tagapamahala na kailangan mong manatili sa bahay.

Kung may mga tanong ka, tumawag sa Nurse Triage Line sa 855-850-2249.

Ibukod ang iyong sarili sa bahay.
Magpa-test sa isa sa maraming lokasyon sa San Francisco.

2. Kung nagkaroon ka ng COVID-19 

Dapat mong ibukod ang iyong sarili sa bahay kung nagpositibo ka sa test para sa COVID-19 o mayroon kang mga sintomas. 

Dapat mong matugunan ang lahat ng sumusunod na kinakailangan bago bumalik sa trabaho:

  • Wala nang lagnat na mahigit 100.4 F (38 C) sa loob ng 24 na oras (walang iniinom na gamot)
  • Gumagaling na ang mga sintomas
  • Naibukod ang iyong sarili sa loob ng 10 araw mula sa petsa ng iyong mga unang sintomas

Kung hindi ka kailanman nakaranas ng mga sintomas, dapat ay naibukod mo ang iyong sarili sa loob ng 10 araw mula sa petsa ng iyong test para sa coronavirus.

3. Kung nagkaroon ka ng close contact sa isang tao na may COVID-19

Dapat mong i-quarantine ang iyong sarili sa loob ng 10 araw mula sa petsa ng pinakakamakailang pakikisalamuha.

Ang mga close contact ay kinabibilangan ng sinumang:

  • Kasama mo sa bahay o nag-overnight kasama ka
  • May pisikal na intimasyon ka, kabilang ang paghalik lang o pakikipagtalik
  • Nag-aalaga sa iyo 
  • Inaalagaan mo
  • Nanatili sa loob ng 6 na talampakang distansya mula sa iyo nang 15 o mahigit na minuto sa isang araw
  • Nadikit mismo sa mga likido mula sa iyong katawan, kabilang ang galing sa mga pag-ubo o pagbahing

Maaaring mangyari ang pagdikit sa mga likido mula sa katawan kung may isang taong umubo o bumahing habang hindi ka nakasuot ng face mask, gown, at mga guwantes. Maaari din itong mangyari sa pakikipaghiraman ng mga kubyertos sa isang tao.

Hindi kasama sa close contact ang mga empleyado na kinakailangang mag-asikaso ng isang taong maaaring may COVID-19, kung nakasuot sila ng naaangkop na PPE sa trabaho.

Kung kumpleto na ang bakuna mo (14 na araw pagkatapos ng panghuling dosis ng bakuna), hindi mo kailangang bumukod pagkatapos ng close contact.

Hindi kailangang mag-quarantine ng mga nagtatrabaho sa konggregasyon o kulungan kung may kumpletong bakuna.

Pagbalik sa trabaho

Dapat kang makipag-ugnayan sa HR lead ng iyong departamento para sa pahintulot na bumalik sa lugar ng trabaho. Susuriin ng HR lead kung natugunan mo ang mga kinakailangan para makabalik sa trabaho. 

Kung hindi ka pumasok sa trabaho sa loob ng mahigit 5 araw, dapat kang magsumite ng tala ng doktor sa iyong HR lead.

Kapag bumalik ka na sa trabaho, dapat kang patuloy na magsumite ng pagsusuri sa kalusugan araw-araw, magsuot ng pantakip sa mukha, at magpanatili ng 6 na talampakang distansya mula sa iba.

Last updated April 21, 2021