Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta

Maaaring makakuha ng gawad na ito bawat taon ang mga landlord ng Mga Legacy na Negosyo ng San Francisco. Ito ay para matulungan ang Mga Legacy na Negosyo na manatiling bukas sa San Francisco. Dapat mag-alok ang mga landlord ng bagong kontrata ng pagpaparenta na 10+ taon o dapat nilang pahabain sa 10+ taon ang kasalukuyang kontrata sa pagpaparenta.

Gamitin ang form na ito kung hindi ka pa nakatanggap dati ng Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta, o kung pumasok ka sa isang bagong kontrata sa pagpaparenta mula noong huling kang nakatanggap ng Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta (o pinahaba mo ang isang dati nang kontrata sa pagpaparenta):

Mga Instruksyon sa Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta - Unang Gawad

Aplikasyon para sa Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta - Unang Gawad

 

Gamitin ang form na ito para mag-apply ulit bawat taon para sa iyong kasalukuyang Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta:

Muling Pag-apply para sa Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta

Last updated May 9, 2022