Na-adjust na median na kita para sa Resiliency Fund

Dapat ay mas mababa sa 120% ng na-adjust na median na kita ang kita ng iyong pamilya para maging kwalipikado kayo sa Resiliency Fund.

Sundin ang mga hakbang na ito para maunawaan kung kwalipikado ka.

1. Bilangin ang mga miyembro ng iyong pamilya

Ang pamilya ay tumutukoy sa iisang tao o grupo ng mga taong magkakasama sa isang tirahan, anuman ang kanilang aktwal o kinikilalang sekswal na oryentasyon, sekswal na pagkakakilanlan, o katayuan sa pag-aasawa.

2. Suriin ang taunang kita sa iyong pinakahuling tax return

3. Alamin kung kwalipikado ang iyong kita

  • Dapat ay mas mababa sa $90,450 ang kita ng pamilyang may 1 miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $103,350 ang kita ng pamilyang may 2 miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $116,250 ang kita ng pamilyang may 3 miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $129,150 ang kita ng pamilyang may 4 na miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $139,500 ang kita ng pamilyang may 5 miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $149,850 ang kita ng pamilyang may 6 na miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $160,150 ang kita ng pamilyang may 7 miyembro
  • Dapat ay mas mababa sa $170,500 ang kita ng pamilyang may 8 miyembro

Kung kwalipikado ka, alamin kung paano mag-apply ng grant mula sa Resiliency Fund para sa maliliit na negosyo.

Last updated January 21, 2022