Maghanap ng mga opsyon sa kapalit na kita sa panahon ng coronavirus

Ibinabahagi ng Lungsod ang mga resource para sa ilang partikular na grupo. Alamin kung paano maging kwalipikado.

Anong gagawin

Alamin kung kwalipikado ka

Mga taong mas madaling mahawaan

Ang mga taong mahigit sa 60 taong gulang o may pabalik-balik na kundisyon sa kalusugan ang pinakamadaling mahawaan ng virus na ito.

Kung kailangan mong manatili sa bahay dahil isa ka sa populasyong madaling mahawaan, puwede kang gumamit ng May Bayad na Sick Leave o ng mga benepisyo para sa kawalan ng trabaho sa Estado ng California.

Sa panahon ng outbreak, hindi mo kailangan ng liham mula sa iyong doktor para makagamit ng Bayad na Sick Leave.

Pangangalaga sa bata 

Kung kailangan mong manatili sa bahay para mag-alaga ng mga bata kabilang ang mga sarili mong anak sa panahon ng utos na Manatili sa Bahay, puwede kang mag-apply para sa mga opsyong ito sa kapalit na kita:

Mga naka-furlough na manggagawa

Kung ang iyong employer ay nagsara o nag-furlough ng mga manggagawa dahil sa utos na Manatili sa Bahay, posibleng kwalipikado ka para sa mga benepisyo sa kawalan ng trabaho mula sa Estado ng California.


 

Humingi ng tulong

Para sa mga naka-furlough na manggagawa

Phone

Linya ng impormasyon para sa manggagawa

Lunes hanggang Biyernes 9am hanggang 5pm

Last updated June 30, 2022