Kumain ng masustansya at kumilos!
Kumain ng masustansya at manatiling aktibo sa Chinatown Public Health Center.
Nag-aalok kami ng iba't ibang programa sa nutrisyon.
Hanapin ang pinakanaaangkop sa iyong mga pangangailangan.
Pagpapayo sa nutrisyon
Gumawa ng appointment para sa 1:1 o mga sesyon sa pagpapayo para sa maliit na grupo.
Mga workshop at klase
Kumuha ng klase sa banayad na pag-eehersisyo, pagkain ng masustansya, at pagluluto.
Mga resource para sa nutrisyon
Kumuha ng mga recipe at aktibidad para sa buong pamilya. Kinakailangan ng pahintulot para mag-post ulit.
Teen HEAL internship
Mag-apply upang mapahusay ang iyong kapakanan at mga kasanayan sa pamumuno bilang isa sa aming mga intern.
Adult HEAL program
Sumali sa seryeng ito na nakatuon sa pagkain ng masustansya at aktibong pamumuhay para sa buong pamilya.
Katawan, Pag-iisip, at Kaluluwa sa Chinese
Humanap ng iba't ibang aktibidad para sa kapakanan para sa mga Chinese na organisasyong nakabatay sa pananampalataya.
Outreach ng media
Program sa nutrisyon sa telebisyon
Program sa nutrisyon sa telebisyon
Mag-tune in sa 營養知多D sa KTSF-26.
Tinatalakay namin ang mga paksa tungkol sa pagkain ng masustansya at nutrisyon.
Mga artikulo ng pahayagan
Mga artikulo ng pahayagan
Hanapin ang aming mga artikulo sa nutrisyon sa Herald Monthly ng Bay Area.
Para sa impormasyon, makipag-ugnayan sa:
Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng Chinatown Public Health Center
1490 Mason Street
San Francisco, CA 94133
Catherine.wong@sfdph.org
Mga pahayag mula sa aming komunidad
"Nagbibigay ang Teen HEAL internship ng hindi matatawarang karanasan para sa aking binatang anak. Direkta siyang natututo mula sa medikal at iba pang propesyonal tungkol sa nutrisyon, mga kasanayan sa pamumuno, at kapakanan ng pisikal at pag-iisip. Nagbibigay-daan ang mahahalagang kasanayang ito sa aking anak na magpasya ng tama sa pamumuhay nang malusog." —Mga magulang ng isang intern
About
Nag-aalok ang Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng Chinatown Public Health Center ng mga klase para sa nutrisyon, therapy para sa medikal na nutrisyon sa pamamagitan ng indibidwal na pagpapayo, at mga programa para sa nutrisyon ng kalusugan ng publiko.