PAHINA NG IMPORMASYON
Mga tsunami
Ang tsunami ay isang serye ng malalakas na alon sa karagatan na maaaring bumaha sa mga lugar sa baybayin, makapinsala sa mga gusali, at lumikha ng mga mapanganib na agos.

Ang mga alon na ito ay kadalasang dulot ng mga lindol, pagguho ng lupa, o iba pang malalaking kaguluhan sa karagatan. Ang tsunami ay maaaring tumagal ng ilang oras, at ang unang alon ay kadalasang hindi ang pinakamalaki—kaya mahalagang manatiling alerto.
Ang tsunami ay maaari ring magdulot ng malakas, hindi mahuhulaan na agos mula sa mga dalampasigan at sa mga marina at daungan, na ginagawang mapanganib na mapunta sa mga lugar na iyon.
Mapa ng Sona ng Panganib sa Tsunami
Gamitin ang aming Mapa ng Sona ng Panganib sa Tsunami upang malaman kung aling mga lugar ang nanganganib sa pagbaha kung ang tsunami ay makakaapekto sa San Francisco.
Ang mga sonang ito (nakukulayan ng lila) ay nagpapakita ng mga lugar kung saan maaaring kailanganing lumikas kung nagkaroon ng tsunami dahil mayroong mataas na panganib ng pagbaha.

Maaapektuhan ba ng tsunami ang San Francisco?
Oo. Maaaring makaranas ang San Francisco ng tatlong uri ng tsunami, depende sa kung saan nangyayari ang lindol o pagkagambala sa ilalim ng tubig:
Uri ng Tsunami: Malayo
Saan ito magsisimula: 621 milya o higit pa
Tinantiyang Oras na Makakarating sa San Francisco: 4 - 15 oras
Pagkamalamang: Katamtaman
Uri ng Tsunami: Panrehiyon
Saan ito magsisimula: Mas mababa sa 621 milya
Tinantiyang Oras na Makakarating sa San Francisco: 1 - 1.5 na oras
Pagkamalamang: Katamtaman
Uri ng Tsunami: Malapit
Kung saan ito magsisimula: 62 milya o mas kaunti
Tinantiyang Oras na Makakarating sa San Francisco: 10-15 minuto
Pagkamalamang: Mababa
Paano mo malalaman kung paparating na ang tsunami?
Mga opisyal na alert sa tsunami
- Mga Wireless Emergency Alert (WEA): Magpapadala ang National Weather Service (NWS) ng malakas, parang text na alert sa iyong telepono kung ikaw ay nasa isang apektadong lugar. Hindi na kinakailangang mag-sign up.
- AlertSF: Magpapadala ang San Francisco Department of Emergency Management (DEM) ng mga text alert na may mga tagubilin sa kaligtasan. Mag-sign up sa AlertSF.org o i-text ang iyong ZIP code sa 888-777.
- Mga Sasakyan sa Pampublikong Kaligtasan: Ang mga tagaresponde sa emerhensya ay maaaring magmaneho sa mga sona ng paglikaw gamit ang mga ilaw at sirena (Code 3) at loudspeaker upang maglabas ng mga babala at mga utos sa paglikas.
- Mga Broadcast Alert: Kung may oras, maaari ring gumamit ang mga opisyal ng mga alert sa radyo at TV.
- National Tsunami Warning Center: Tingnan ang mga opisyal na update mula sa NOAA at NWS.
Mga babala ng kalikasan sa tsunami
Maaaring sumalanta na ang tsunami bago maipadala ang mga opisyal na alerto, lalo na kung ito ay sanhi ng paglindol sa malapit. Kung napapansin mo ang alinman sa mga palatandaang ito, agad na lumikas:
- Malakas na pagyanig ng 20 segundo o higit pa, kung saan nagiging mahirap tumayo o maglakad.
- Isang biglaang at malakas na dagundong ng karagatan na kakaiba sa mga karaniwang alon.
- Ang karagatan ay mabilis na umuurong malayo sa dalampasigan, na naglalantad ng ilalim ng dagat.
Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga babalang ito, huwag nang hintayin pa ang opisyal na alert. Lumipat kaagad papaloob ng lupa at mas mataas na lugar.
Ang National Tsunami Warning Center (NTWC) ay naglalabas ng iba't ibang uri ng tsunami alert
- Information Statement (Pahayag ng Impormasyon): Walang malaking banta. Manatiling may kaalaman.
- Tsunami Watch: Maaaring paparating na ang tsunami. Manatiling alert para sa mga update.
- Tsunami Advisory: Inaasahan ang malalakas na alon. Lumayo sa mga dalampasigan at daungan.
- Tsunami Warning (Babala sa Tsunami): Posible ang mapanganib na pagbaha. Lumipat kaagad sa mas mataas na lugar.
Bago ang tsunami
- Gumawa ng planong pang-emerhensya at maglikom ng mga supply.
- Alamin ang mga palatandaang babala:
- Malakas na pagyanig ng lupa ng 20 segundo o higit pa, kung saan nagiging mahirap tumayo o maglakad.
- Isang malakas na dagundong mula sa karagatan.
- Biglaang pag-urong ng tubig na malayo sa dalampasigan.
Sa panahon ng tsunami
- Alamin kung ikaw ay nasa sona ng panganib sa tsunami. Tingnan ang Mapa ng Sona ng Panganib sa Tsunami sa San Francisco upang makita kung ang iyong tahanan, lugar ng trabaho, o mga lugar na binibisita mo ay nasa isang lugar na maaaring kailanganing lumikas.
- Kung nakakaramdam ka ng malakas na pagyanig o nakakita ng iba pang mga palatandaang babala, lumipat kaagad sa papaloob at sa mas mataas na lugar. Huwag nang maghintay pa ng opisyal na alert—ang mga natural na babala ay nangangahulugan na ang tsunami ay maaaring dumating sa loob ng ilang minuto.
- Kung ikaw ay nasa isang sona ng paglikas para sa tsunami at nakatanggap ng babala o utos na lumikas, umalis kaagad. Lumikas nang naglalakad kung kaya mo. Sisikip ang mga kalsada, at maaaring pabagalin o harangin ng trapiko ang mga unang tagaresponde. Huwag umasa sa sasakyan bilang bahagi ng plano ng paglikas.
- Karamihan sa mga gusali ay hindi idinisenyo upang makayanan ang mga epekto ng tsunami. Gayunpaman, ang mga nasa itaas na palapag ng ilang matibay (hal., reinforced concrete) at matataas na gusali ay maaaring makapagbigay ng proteksyon kung walang ibang opsyon na magagamit. Alamin sa iyong pamamahala ng gusali kung hindi ka sigurado kung ang gusaling tinitirhan o pinagtatrabahuhan mo ay makakayanan ang epekto ng tsunami.
- Kung may oras (para sa mga tsunami sa rehiyon at malayo ang pinagmulan), magpapadala ang mga opisyal ng mga alert na may mga tagubilin. Sundin ang mga utos sa paglikas at manatiling may kaalaman sa pamamagitan ng AlertSF at Tsunami.gov.
Mag-sign up para sa AlertSF upang makatanggap ng mahahalagang update bago, sa panahon ng at pagkatapos ng mga emerhensya.
I-text ang iyong ZIP Code sa 888-777 o mag-sign up sa AlertSF.org.
Alamin pa
- Alamin kung paano maaaring makaapekto ang mga sakuna at emerhensya sa San Francisco.
- Suriin ang mga hakbang upang maghanda para sa anumang emerhensya.
Tungkol Dito

Inihatid sa iyo ng San Francisco Department of Emergency Management (DEM). Pinamamahalaan ng DEM ang mga pang-araw-araw at hindi pang-araw-araw na emerhensya sa San Francisco.
Para sa higit pang impormasyon at update, sundan ang San Francisco Department of Emergency Management sa Instagram, X, Nextdoor, Facebook at BlueSky
Humiling ng maikling presentasyon tungkol sa paghahanda sa sakuna mula sa Department of Emergency Management.