MGA POSIBLENG SINTOMAS NG
MGA MASASAMANG REAKSYON SA MGA GAMOT
MGA ANTIBIOTICS
- Pantal
- Pagtatae
- Paglala ng kondisyon
- Pagtaas ng lagnat
- Anaphylaxis – ang pinakamatinding anyo ng reaksyon na may kasamang mga problema sa paghinga.
MGA GAMOT SA HIKA
- Pagka-excitable / Pagka-iritado
- Pagbabago ng ugali
- Pagsusuka
MGA DECONGESTANT
- Kasiglahan
- Pagkahilo
- Pagdurugo ng ilong
- Ipaalam agad sa mga magulang/legal na tagapag-alaga at ipaalam sa kanila na kailangan nilang kumonsulta sa doktor bago magbigay ng karagdagang gamot.
- Sundin ang iyong plano ng pangangalaga para sa mga side effect.
- Bantayan ang bata.
- Kung ang isang bata ay magpakita ng mga palatandaan ng malubhang masamang reaksyon, (hal. Anaphylaxis, atbp.) tumawag sa 9-1-1.