PAHINA NG IMPORMASYON

Nobyembre 4, 2025, Pambuong-estadong Espesyal na Halalan

Sa Nobyembre 4, 2025, magsasagawa ang California ng isang Pambuong-estadong Espesyal na Halalan kung saan magdedesisyon ang mga botante sa Proposisyon 50, isang pag-amyenda sa saligang batas na isinangguni ng lehislatura (ACA 8, Kabanata 97, Mga Batas ng 2025 – Rivas. Kongresyunal na muling pagdidistrito).

Sa ilalim ng Saligang Batas ng California, ang Komisyon ng mga Mamamayan para sa Muling Pagdidistrito ang naatasang isaayos ang mga hangganan ng mga distrito ng Kongreso, Senado, Asembleya, at Lupon ng Tagasingil ng Buwis, isang beses kada dekada, sa taon kasunod ng pambansang senso.

Pansamantalang aalisin ng Proposisyon 50 ang kapangyarihan ng Komisyon ng mga Mamamayan para sa Muling Pagdidistrito pagdating sa kongresyunal na mga distrito. Partikular, itatakda nito na gamitin ng California ang mga hangganan ng distrito na inaprubahan sa Panukalang Batas ng Asembleya Blg. 604 ng Regular na Sesyon ng 2025–26 para sa lahat ng kongresyunal na mga eleksyon hanggang muling baguhin ng komisyon ang mga hangganan ng distrito sa 2031.

Ang espesyal na eleksyon na ito ay opisyal na itinakda noong Agosto 21, 2025, nang lagdaan ni Gobernador Gavin Newsom ang Batas ng Senado Blg. 280, na nagtakda ng petsa at mga proseso ng eleksyon.

Pagpaparehistro ng Botante

Maaari ninyong gamitin ang online na Portal para sa Botante para suriin ang kalagayan ng inyong rehistrasyon at makatiyak na napapanahon ang inyong rehistrasyon.

Ang Oktubre 20, 2025 ay ang huling araw upang magparehistro para bumoto at makatanggap pa rin ng balota sa koreo.

Maaaring magparehistro ang mga elihibleng residente online, sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall, Room 48, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Departamento para humiling ng isang papel na form para sa rehistrasyon.

Pagkatapos ng Oktubre 20, maaari pa ring magparehistro at bumoto nang personal ang mga elihibleng residente sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon o sa isang lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.

Saan Makahahanap ng Impormasyon tungkol sa Eleksyong ito

Bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado ng California, na mayroong pahinang nakalaan sa 2025 Pambuong-estadong Espesyal na Halalan.

Maaaring bisitahin ng mga botante ang pahina ng Komite para sa mga Eleksyon ng Asembleya ng Estado ng California para suriin ang minumungkahing mga kongresyonal na distrito para sa Pambuong-estadong Espesyal na Halalan.

Sa Setyembre 2025, magpapadala sa koreo ang Kalihim ng Estado ng Gabay na Impormasyon para sa Botante na may mga detalye tungkol sa eleksyon na ito.

Sa hindi lalampas ng Oktubre 6, 2025, magpapadala sa koreo ang Departamento ng mga Eleksyon ng isang lokal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Halimbawang Balota sa lahat ng mga nakarehistrong botante ng San Francisco.

Ang Pangkat para sa Outreach ng Departamento ng mga Eleksyon ay handa para magsagawa ng pang-edukasyong mga presentasyon, tumulong sa pagpaparehistro ng botante, at mag-host ng mga resource table. Upang imbitahan ang Pangkat para sa Outreach, magsumite ng kahilingan o tumawag sa (415) 554-4375.

Mga Paraan sa Pagboto

Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Ang mga balota ay ipadadala sa koreo sa lahat ng mga nakarehistrong botante ng San Francisco bandang Oktubre 6, 2025.

Maaari ninyong ibalik ang inyong binotohang balota sa pamamagitan ng koreo. Para mabilang, ang inyong balota ay kailangang na-postmark nang hindi lalampas ng Araw ng Eleksyon at matanggap ng Departamento ng mga Eleksyon nang hindi lalampas ng pitong araw pagkatapos ng Araw ng Eleksyon.

Ihulog ang inyong Balota
Simula Oktubre 6, maaari ninyong ihulog ang inyong balota sa alinmang opisyal na kahon na hulugan sa California hanggang sa Araw ng Eleksyon. Magkakaroon ng 37 opisyal na mga kahon na hulugan sa San Francisco.

Maaari rin ninyong ibalik ang inyong balota sa alinmang lugar ng botohan sa California sa Araw ng Eleksyon, sa pagitan ng 7:00 a.m. at 8:00 p.m.

Aksesibleng Sistemang Vote-by-Mail
Simula Oktubre 6, ang sinumang nakarehistrong botante ay maaaring kumuha ng balota sa pamamagitan ng aksesibleng sistemang vote-by-mail. Maaaring gumamit ang mga botante ng teknolohiyang nakatutulong (mga screen reader, mga kagamitang sip-and-puff, mga head-pointer, atbp.) para markahan ang mga balota. Ang mga kinumpletong balota ay kailangan na mai-print at maibalik sa pamamagitan ng koreo o nang personal.

Pagboto nang Personal
Maaari kayong bumoto nang maaga sa Sentro ng Botohan sa City Hall, sa harap ng Room 48.

Ang maagang pagboto ay magsisimula sa Oktubre 6 at magpapatuloy hanggang sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4.

  • Lunes–Biyernes: 8:00 a.m.–5:00 p.m. (maliban sa Oktubre 13 holiday)
  • Sabado at Linggo ng Nobyembre 1–2: 10:00 a.m.–4:00 p.m.
  • Araw ng Eleksyon, Nobyembre 4: 7:00 a.m.–8:00 p.m.

Sa Araw ng Halalan, 100 lugar ng botohan ang magbubukas sa buong San Francisco, mula 7:00 am hanggang 8:00 pm

Mga Nakatutulong na Mapagkukunan

Alamin ang higit pa tungkol sa maagang pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall, Room 48.

Tingnan ang mapa ng lokasyon ng mga opisyal na kahon na hulugan ng balota sa San Francisco.

Hanapin ang inyong lugar ng botohan, kumuha ng direksyon, at i-check ang oras ng paghihintay para sa bawat lokasyon.

Alamin ang tungkol sa mga serbisyo sa aksesibleng pagboto, kasama ang Programa sa Paghatid at Pagkuha ng Balota para sa mga botanteng naospital, hindi makaalis ng bahay, o iyong hindi makapunta sa lugar para sa personal na pagboto.

Mga Form para sa Botante

Form para sa Panunumpa ng Botante at Pagbalik ng Balota. Gamitin ang form na ito kung kayo ay isang botanteng militar o nasa ibang bans ana nagbabalik ng inyong balota sa pamamagitan ng fax, o kung kayo ay gagamit ng sarili ninyong sobre sa pagbalik ng inyong binotohang balota.

Form para sa Awtorisasyon para sa Pagkuha ng Balota. Gamitin ang form na ito para mag-awtorisa ng ibang tao na kumuha ng balota mula sa Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall at ihatid ito sa inyo.

Form para Humiling ng Emergency na Paghatid ng Balota. Gamitin ang form na ito para humiling ng emergency na paghatid ng balota, pagkuha, o emergency na tulong sa pagboto mula sa Departamento ng mga Eleksyon.

Pagsubaybay sa inyong Balota

Maaari ninyong gamitin ang Portal para sa Botante para tingnan kung kailan naipadala sa koreo ang inyong balota at kumpirmahin kung kailan ito natanggap para sa pagbibilang. Kung mayroong isyu sa inyong sobre ng balota—gaya ng kawalan ng pirma—aabisuhan kayo ng portal at bibigyan ng mga instruksiyon kung papaano maaayos ang isyu.

Maaari rin kayong mag- sign up para sa mga awtomatikong update sa email, text, o phone gamit ang tool na Where’s My Ballot.

Mga Resulta ng Eleksyon

Maglalabas ang Departamento ng mga Eleksyon ng paunang lokal na mga resulta sa Gabi ng Eleksyon, Nobyembre 4, 8:45 p.m., at magpapatuloy na mag-update ng mga resulta sa kabuuan ng panahon ng bilangan kasunod ng Araw ng Eleksyon.

Ang pinal na lokal na mga resulta ay isesertipika at ilalabas sa Disyembre 2, 2025. Ang lahat ng mga ulat ng lokal na mga resulta ay ilalathala sa sfelections.gov/results.

Makikita ang pambuong-estadong mga resulta ng eleksyon sa website ng Kalihim ng Estado ng California.

Mga Mahahalagang Petsa

  • Oktubre 6, 2025 – Darating ang mga pakete ng vote-by-mail na balota sa mga mailbox; magsisimula ang personal na pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall, sa harap ng Room 48; magbubukas ang 37 mga kahon na hulugan ng balota sa San Francisco
  • Oktubre 20, 2025 – Deadline para sa pagpaparehistro bilang botante (para makatanggap ng balota sa koreo)
  • Nobyembre 4, 2025 – Araw ng Eleksyon, magbubukas ang 100 mga lugar ng botohan sa San Francisco mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m.
  • Nobyembre 4, 2025 – Ilalabas ng Departamento ang unang paunang lokal na mga resulta ng eleksyon nang 8:45 p.m.
  • Disyembre 2, 2025 – Isesertipika at ilalabas ng Departamento ng mga Eleksyon ang pinal na lokal na mga resulta ng eleksyon.

Kailangan ng Tulong?

Nandito ang Departamento ng mga Eleksyon para tumulong. Kayo man ay may mga katanungan tungkol sa pagpaparehistro para bumoto, pagboto sa pamamagitan ng koreo, mga serbisyo sa aksesibilidad, o anumang iba pang may kinalaman sa eleksyon, handa kaming tumulong sa inyo.

Maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa telepono sa (415) 554-4310, sa pamamagitan ng email, o sa pamamagitan ng pagbisita sa aming tanggapan sa City Hall, Room 48.

Mayroong tulong sa wika sa Tsino, Espanyol, Filipino, at marami pang ibang mga wika.