PAHINA NG IMPORMASYON
Iyong Mga Karapatan sa Pagboto
Ang Iyong Mga Karapatan bilang Hindi Mamamayan na Botante sa San Francisco
Bilang isang rehistradong hindi mamamayang botante, may karapatan kang:
- Bumoto sa Nobyembre 5, 2024, San Francisco Board of Education Election.
- Kumuha ng impormasyon sa halalan at magtanong tungkol sa mga proseso sa iyong gustong wika.
- Bumoto ng isang lihim na balota nang walang sinumang nang-aabala sa iyo o nagtatangkang impluwensyahan ka.
- I-drop off ang iyong vote-by-mail na balota sa alinmang lokal na lugar ng botohan o ballot drop box.
- Bumoto ng personal na balota kung bumisita ka sa anumang lugar ng pagboto bago mag-8pm sa Araw ng Halalan.
- Bumoto ng personal na hindi pansamantalang balota kung ang iyong pangalan ay nasa roster ng presinto.
- Magsumite ng personal na pansamantalang balota kung ang iyong pangalan ay wala sa roster ng presinto.
- Hilingin sa ibang tao na tulungan kang markahan ang iyong balota (maliban sa iyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon).
- Kumuha ng bagong balota kung nagkamali ka (hangga't hindi ka pa nakakapagsumite).
- Mag-ulat ng ilegal, mapanlinlang, o nakakatakot na aktibidad sa halalan sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 554-4375 .