KUWENTO NG DATOS
Muling pagbubukas ng paaralan sa panahon ng COVID-19
Sinusubaybayan kung aling mga paaralan sa San Francisco ang muling nagbubukas para sa harapang pag-aaral.
ATTN: Simula Hulyo 1, 2022, hindi na ime-maintain ng SFDPH ang website na ito at i-a-archive na. Available pa rin ang dokumentong ito para maging reference sa mga paaralan at programa hanggang Hunyo 30, 2022. Para sa higit pang impormasyon at mga ongoing update, bisitahin ang: https://sf.gov/schools-childcare-and-youth-programs-during-covid-19-pandemic
Bilang tugon sa pandemiya, nag-alok ang mga paaralan sa San Francisco ng distance learning sa taon ng paaralan 2020-2021. Sumusuporta rin Community Hubs Initiative sa mga bata at kabataan na may pinakamalalaking pangangailangan.
Nananatiling isa sa mga nangungunang prayoridad ng Lungsod ang pagbibigay-daan sa mga bata na ganap na makabalik sa kanilang mga silid-aralan sa taon ng paaralan 2021-2022.
Mapa ng muling pagbubukas ng paaralan
Nakikipagtulungan sa Lungsod ang mga paaralan para matugunan ang lahat ng kinakailangan para ligtas na makapagbukas muli para sa harapang pag-aaral. Ipinapakita ng dashboard sa ibaba ang lahat ng paaralang nagsimula na sa proseso ng muling pagbubukas.
Navigating dashboards with a keyboard
- Control + Enter to enter the dashboard
- Tab or Arrow to move between visuals
- Control + Right arrow to enter a visual or filter
- Escape to exit a visual, filter or dashboard
Navigating within a visual or filter
- Tab or Arrow to move around a table or visual
- Enter to select within a table or visual
- Spacebar to select or deselect a filter
Data notes and sources
Araw-araw naa-update ang data ng 9:00am.
Nilalaman ng dashboard ang pinakabagong impormasyon. Maaaring magbago araw-araw ang mga status ng paaralan.
Proseso ng muling pagbubukas ng paaralan at kaligtasan
Para muling magbukas para sa harapang pagtuturo, dapat gawin ng mga TK-12 na paaralan na:
-
Magsumite ng application na may plano para sa kaligtasan at kalusugan
-
Sumailalim sa isang pagsusuri ang kanilang bentilasyon
-
Alamin pa ang tungkol sa proseso at timeline ng muling pagbubukas
Dapat na matugunan ng lahat ng paaralan ng San Francisco ang mga pamantayang pangkaligtasan para muling makapagbukas. Binabalangkas ng parehong gabay ng estado at mga direktiba sa kalusugan ng lokal na pamahalaan ang mga pamantayang ito. Alamin pa sa California's school reopening site.