Mga batas sa paggawa na may kaugnayan sa COVID-19
Mga Proteksyon sa Pagtatrabaho na May Kaugnayan sa COVID
Hindi pinapayagang mandiskrimina ang mga employer kung mayroon kang COVID-19. Nag-expire na ang ordenansa mula noong Marso 8, 2023.
Mga Proteksyon ng Manggagawa
Ang Ordenansa sa Proteksyon ng Manggagawa (Worker Protection Ordinance) ay nag-expire na mula noong Pebrero 28, 2023.
Dapat sumunod ang mga employer sa mga panuntunan sa kaligtasan para maprotektahan ang mga manggagawa nila laban sa COVID-19. Naaangkop ito sa:
- Mga grocery store
- Mga botika
- Mga restawran
- Mga on-demand na serbisyo sa delivery
Mga benepisyo ng planong pangkalusugan sa mga pamilya ng mga kontratistang manggagawa sa lungsod
Ang ilang kontratista sa lungsod na nagbibigay ng mahalagang serbisyo ay kinakailangang magbigay ng mga benepisyo ng planong pangkalusugan sa mga pamilya ng kanilang mga nasasaklawang manggagawa.
Partikular na naaangkop ang direktiba sa mga empleyadong nangongontrata para sa:
- Serbisyo sa pagkain
- Delivery ng pagkain
- Mga serbisyong janitorial
- Mga serbisyo sa paglilinis
Kasama sa mga kinakailangan ang:
- Dapat makatugon ang mga benepisyo sa mga minimum na pamantayang itinakda ng Direktor ng kalusugan
- Ang nasasaklawang manggagawa ay isang taong nagtatrabaho nang kahit 2 oras kada linggo sa kontrata sa mahalagang serbisyo sa loob ng San Francisco
- May ilang limitadong pagbubukod
Para malaman ang higit pa, basahin ang direktiba mula sa mayor. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Ordenansa sa Mg Proteksyon ng Manggagawa o gusto mong mag-ulat ng paglabag sa batas, tumawag sa 311 o (415) 701-2311. Para sa mga pangkalahatang tanong, makipag-ugnayan sa OLSE sa (415) 554-7890 o WorkerProtections@sfgov.org.
Last updated May 11, 2023