Mag-apply para tumulong sa mga negosyo sa cannabis

Isumite ang iyong mga panukalang nag-aalok ng suporta para sa industriya ng equity cannabis ng San Francisco (SF), sa isang pilot grant na programa.

Anong gagawin

Kung napili ka para sa isang award, babayaran ng grant ang iyong trabaho sa pagtulong sa mga aplikante at negosyo sa equity cannabis.

1. Alamin kung kwalipikado kang mag-apply

Dapat ay puwede kang magnegosyo sa Lungsod ng San Francisco. Kung hindi mo pa ito puwedeng gawin, puwede kang magparehistro para maging bidder ng Lungsod

Dapat ay ganap kang maging supplier ng Lungsod (pagkatapos magparehistro bilang bidder) para magsimulang magtrabaho. Matatapos mo ang proseso pagkatapos mong ipadala ang iyong panukala.

Dapat ay nasa operasyon ka na mula noong Marso 9, 2020.

2. Magpasyang mag-apply para sa RFP

Naghahanap kami ng mga organisasyon para tulungan ang mga negosyo sa cannabis sa:

  • Pagtuklas sa mga proseso ng permit at grant
  • Pag-unlad ng lakas-paggawa
  • Pag-unlad ng negosyo

Makakatrabaho mo ang mga negosyo at aplikante sa equity cannabis bilang mga pro bono na tagapayo sa hinaharap. Layunin ng grant na magbayad para sa iyong trabaho.

Puwede kang dumalo sa isang impormasyonal na webinar para matuto tungkol sa RFP na ito. 

3. Tingnan ang mga dokumento ng RFP

Itatanong namin sa iyo ang sumusunod na impormasyon tungkol sa iyong negosyo:

  • Mga Kwalipikasyon
  • Karanasan sa pagbibigay ng teknikal na suporta (lalo na para sa mga marginalized na populasyon at sa industriya ng cannabis)
  • Mga Kawani
  • Pagtatantya ng gastos para sa mga serbisyong ibibigay mo
  • Hindi bababa sa 3 propesyonal na sanggunian

4. Isumite ang iyong mga tanong bago ang Setyembre 17

Magpo-post kami ng PDF na may mga sagot sa mga tanong hinggil sa RFP sa Setyembre 22.

5. Ipadala ang iyong panukala sa

I-save ang lahat ng iyong dokumento sa isang PDF file at i-attach ito sa email.

Pagkatapos mong mag-apply

Isang hiwalay na komite sa ilang departamento ng Lungsod ang magsusuri sa mga RFP sa Setyembre at Oktubre. Plano naming isagawa ang aming mga pinal na seleksyon sa Nobyembre 2020.

Kung hindi ka pa isang supplier ng Lungsod, dapat kang mag-apply para makuha ang status na iyon sa pamamagitan ng Opisina ng Pangasiwaan ng Kontrata (Office of Contract Administration). 

Pro bono kang puwedeng tanggapin sa trabaho ng mga aplikante at negosyo sa cannabis equity sa huling bahagi ng 2020 o maagang bahagi ng 2021.

 

Humingi ng tulong

Last updated September 17, 2020

Kagawaran